^

Metro

Suspek sa ‘chop-chop’ Binondo drum murder, arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Suspek sa ‘chop-chop’ Binondo drum murder, arestado
Ang bangkay ng isang lalaki na chinop-chop at isinilid sa drum ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek sa Delpan sa Maynila.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nadakip kahapon ng mga tauhan ng Pasay City Police ang isang 64-anyos na lalaki na sangkot umano sa kaso ng “pag-chop-chop” sa isang lalaki na inilagay sa drum bago ipinatapon sa mga basurero sa Binondo, Maynila, kamakailan.

Sa ulat mula kay Pasay City Police Station (CPS) chief, P/Colonel Joselito De Sesto, madaling araw nitong Miyerkules nang madakip ang suspek na si alyas “Victor” matapos ang intelligence gathering, pakikipag-ugnayan sa Highway Patrol Group (HPG) at Manila Police District (MPD).

Sinabi ni De Sesto na kasabwat ang nadakip na si alyas Victor na siyang nagbiyahe ng drum patungo sa Binondo, Maynila.

Matatandaang ang bangkay sa drum ay nadiskubre alas-7:30 ng gabi noong Pebrero 15, 2026 nang ireport ng concerned citizens na inabandona sa Mel Lopez Boulevard, Barangay 275, Zone 3, Binondo, Maynila.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang biktima ay isang Chinese national habang ang utak sa krimen na may-ari ng van na minaneho ni alyas Victor ay isa ring Chinese.

Nakita sa footage ang isang mistulang lalaking Chinese habang nagpapatulong sa security guard ng condominium sa pagtulak ng drum mula sa ika-15 palapag.

Pinuntahan na rin ng mga awtoridad ang unit na pinangyarihan ng krimen na hinihinalang sa banyo isinagawa ang pagkatay, habang ang pananaksak ay sa kama, dahil sa mga naiwang ­talsik ng dugo sa headboard at mga dugo sa unan.

Sa banyo ay natag­puan ang maraming mga iba’t ibang condiments na ibinuhos umano sa kinatay na katawan na isinilid sa drum upang hindi umalingasaw.

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with