^

Metro

Ex-VPSG ni VP Sara itinangging kakilala ang bagman

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tahasang pinabulaanan ni Army Colonel Raymund Dante Lachica, dating Chief ng Vice Pre­sidential Security and Protection Group (VPSPG) na kakilala niya ang lumantad na umano’y bagman at dating aide ni Vice President Sara Duterte.

Sa mensahe na ipinadala ni Lachica sa Defense Press Corps , sinabi nito na wala silang naging koneksyon ng nagpapakilalang bagman ni VP Sara na si Ramil Madriaga.

“I categorically state that I do not know Mr. Madriaga, I have no professional dealings with him”, saad ni Lachica na sinabi pang hindi niya nakatrabaho si Madriaga at iginiit na walang katotohanan ang alegasyon na nagdadawit laban sa kaniya sa umano’y paghawak ng limpak-limpak na salapi para kay VP Sara.

Sa sinumpaang salaysay ni Madriaga, sinabi nito na nagde-deliver umano siya ng bulto ng cash sa kautusan ni VP Sara at si Lachica ay sangkot umano rito kung saan inilalagay ang pera sa duffle bags.

Samantalang inihayag pa ni Madriaga na ang 2022 vice presidential campaign umano ni VP Sara ay galing ang pondo sa mga drug dealers at ng mga nangangasiwa sa Philippine Offshore ­Gaming Operators ­(POGOs).

VICE PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with