Maynila, “all system go” na sa Undas “

MANILA, Philippines — All systems go na sa All Saints’ Day at All Souls’ Day sa mga public cemetery sa Maynila.”
Ito naman ang sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa lahat ng mga frontline departments ng city government upang masiguro na maipatutupad at maibibigay ang mga pangangailangan sa Manila North, Manila South, at Islamic Cemeteries ngayong “Undas.”
Sa isinagawang city government’s directional meeting kahapon, sinabi ni Domagoso na ngayon pa lamang ay dapat nang pumuwesto ang mga tauhan ng city hall bunsod na rin ng inaasahang dagsa ng mga nais nang dumalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.
Paalala ng alkalde, ipinagbabawal ang pagtitinda sa loob ng sementeryo at tanging ang mga awtorisadong vendor lamang na may itinalagang puwesto ang papayagang makapagtinda.
Pinaalerto rin ni Domagoso ang Manila Department of Social Welfare (MDSW) upang gabayan ang mga magulang at guardian sakaling mawala ang kanilang mga anak gayundin ang paglalaan ng command posts para sa mga senior citizens at PWDs.
Inutos din ng alkalde ang round-the-clock coordination sa Manila Police District (MPD), Department of Public Services (DPS), at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, kalinisan at daloy ng trapiko.
- Latest





















