259 timbog sa 1-day operation ng NCRPO
MANILA, Philippines — Umabot sa 259 ang naaresto ng mga operatiba sa ilalim ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa loob ng isang araw na operasyon simula alas-6:00 ng umaga ng Oktubre 17 hanggang alas-5:59 ng Oktubre 18.
Sa ulat na isinumite kay NCRPO director PMGen. Anthony Aberin, ang sabay-sabay na operasyon laban sa krimen, iligal na droga at pagdakip sa mga wanted person ay naisagawa ng limang police districts sa loob ng 24 oras, habang napanatili din ang kapayapaan at kaayusan sa mga mga kilos protesta noong Biyernes.
Naitala ang pag-aresto sa 43 drug suspect, 86 sa illegal gambling, 25 wanted persons.
Naipatupad din ang maximum tolerance ng mga unit ng Civil Disturbance Management (CDM). Pinuri ni PMGen. Aberin ang kanyang mga tauhan para sa pagpapatupad ng balanseng pagbabantay at pagpapatupad ng batas.
“Every arrest of a suspected criminal is a step towards maintaining peace and security in Metro Manila, so long as the arrest is done in accordance with the law and in due observance of human rights. This is the policy direction under the leadership of PLtGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. to enforce the law with due process,”ani Aberin.
- Latest




















