^

Metro

3 ‘missionary’ arestado sa NAIA

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
3 �missionary� arestado sa NAIA
Sa naantalang  report, sinabi ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) ng BI, tatlong babae na mga nasa edad 23, 25, at 50, ang nagtangkang sumakay ng Scoot Airlines flight papuntang Singapore, na kumokonekta sa Thailand.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, File

MANILA, Philippines — Tatlong indibiduwal na umano’y mga human trafficker na nagpanggap bilang mga miyembro ng Church Missionary ang nadakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Abril 1.

Sa naantalang  report, sinabi ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) ng BI, tatlong babae na mga nasa edad 23, 25, at 50, ang nagtangkang sumakay ng Scoot Airlines flight papuntang Singapore, na kumokonekta sa Thailand.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, nakatanggap sila ng ulat na ginagamit na ngayon ng mga human trafficker ang Church Missionary para makaiwas sa pagharang.

Katwiran ng isa sa mga dinakip, mga full-time na boluntaryo sila sa simbahan na itinalaga para sa isang misyonero sa Thailand.

Ang mga pagkakaiba sa mga dokumento ng tatlo ang naging susi upang mabuking ang bagong trafficking scheme. Inamin ng dalawa sa mga ito na biktima sila dahil hindi sila  bahagi ng isang missio­nary group at sa halip ay mga lisensyadong guro na na-recruit para sa ilegal na trabaho sa isang paaralan sa Thailand.

“Ang kasong ito ay sumasalamin sa ‘Bitbit’ scheme, kung saan ang isang madalas na manlalakbay, na kumikilos bilang isang courier,” ani Viado.

NAIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with