^

PSN Opinyon

Menstrual cramps o dysmenorrhea

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

ANG mga kababaihan ay nakararanas ng menstrual cramps o dysmenorrhea bago dumating o habang mayroong regla. Dumaranas sila ng pananakit ng puson, tiyan, likod at hita.

Ang iba ay nakararanas pa ng pagduduwal, pagsusuka, pagtatae, pagpapawis at pagkahilo.

Ayon sa mga eksperto, ang pananakit ay dahil sa pag­hilab ng matris na nagpapahiwatig na naiipit ang daluyan ng dugo.

May kondisyon din tulad ng endometriosis at uterine fibroids na nagdudulot ng sakit sa puson.

Ang menstrual cramps ay nababawasan habang nagkakaedad at nawawala pagkatapos manganak.

Para makaramdam ng ginhawa at maiwasan ang menstrual cramps gawin ang mga sumusunod:

1. Lagyan ng hot compress – Subukan magbabad sa bath tub ng may maligamgam na tubig o mag-apply ng hot compress sa ibabang bahagi ng tiyan.

2. Mag-ehersisyo – Nakatutulong ito na mabawasan ang sintomas ng menstrual cramps.

3. Pain relievers na panandalian lang – Puwede ang paracetamol, ibuprofen o naproxen kapag nagsimula na makaramdam ng cramps. Kung hindi naman ganoon kasakit, huwag na lang uminom ng pain relievers.

4. Dietary supplement – Ayon sa ilang pag-aaral, ang Vitamin E, thiamin, at omega-3 supplement ay makatutulong na mabawasan ang sintomas ng menstrual cramps.

5. Kumunsulta sa doktor kung ang menstrual cramps ay sobrang sakit, may kasamang lagnat, hindi nawawala at naka­gagambala. Kumunsulta rin kung naduduwal, mayroong kakaibang discharge sa puwerta.

DOC WILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with