^

Metro

DA, pinag-aaralan MSRP sa presyo ng baboy

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
DA, pinag-aaralan MSRP sa presyo ng baboy
Workers in La Loma, Quezon City prepare lechon baboy or roasted pig on December 24, 2024.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng Department of Agriculture ang paglalagay ng maximum suggested retail price (MSRP) sa presyo ng baboy.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Arnel de Mesa, kasalukuyan silang nagpupulong at pinag-aaralan ang itatakdang MSRP.

Iaanunsiyo ang MSRP sa sandaling matapos ang pag-aaral ng DA.

Batay sa pinakahuling datos mula sa ahensya, naglalaro sa P420 hanggang P480 ang presyo ng baboy kada kilo.

Samantala, over supply ng itlog sa bansa dahil sa rami ng inahing manok.

Ani De Mesa, hanggang Marso ay karaniwang nagkakaroon ng oversupply ng itlog kaya nagkakatay ng inahing manok para makontrol ang populasyon nito.

Sinabi naman ni Agriculture Secretary Franscisco Tiu Laurel na walang ‘unnessesary culling’ sa inahin manok na dahilan para bumagsak ang supply ng itlog at tumaas ang presyo nito.

MEAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with