^

Metro

Mas mabigat na trapik asahan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Mas mabigat na trapik asahan
Motorists braved heavy traffic along Roxas Boulevard near Baclaran, Parañaque City on December 21, 2024 as the Christmas rush intensified.
Jesse Bustos/The Philippine STAR

3 araw bago ang Pasko

MANILA, Philippines — Tatlong araw bago mag-Pasko, asahan na ang mas matinding pagsisikip ng trapiko bunsod ng papasok at paglabas ng  mga sasakyan sa Metro Manila.

Ito naman ang sinabi ni Alex Yague ng  Provincial Bus Operators Association of the Philippines,  karaniwang nangyayari ito dahil sa pagbabakasyon sa mga  lalawigan para sa selebrasyon habang ang iba naman ay paluwas sa mula sa probinsya upang sa Metro Manila ipagdiwang ang pinakahihintay na okasyon para sa mga pasyalan at pagbisita sa mga kaanak.

Kabilang din sa dahilan ng pagbigat ng trapiko ang mga nire-repair na kalye. widening sa expressway na nagpapalala sa haba ng oras ng biyahe at nagreresulta sa pagka-delay ng return trips.

Kinumpirma rin ng  Robin Ignacio, head of NLEX Traffic Operations Department,na alas-5:00 ng umaga nitong Sabado ay mabagal na ang daloy ng mga sasakyan simula pa lamang sa Balintawak Toll Plaza hanggang Valenzuela Area, na unti-unting nagbabago at pabugso-bugso na lamang habang lumalakad ang oras dahil wala nang road works at marami nang umaalalay na NLEX personnel sa mga motorista.

Sa panig naman ng San Miguel Corp., muling magpapatupad ng libreng toll fees sa  Skyway System, NAIA Expressway (NAIAX), South Luzon Expressway (SLEX), STAR Tollway,  Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) para sa mas mabilis na pagdaan sa toll gates.

Ipatutupad ito simula alas-10 ng gabi ng Disyembre 26 hanggang ala-6 umaga ng Disyembre  25 , at sa parehong oras din sa Disyembre 31 hanggang Enero 1, 2025.

Sa panig naman ng Manila International Airport Authority, sinabi ni MIAA General manaher Eric Ines na nasa  mahigit 155,000 na ang bumibiyahe kada araw simula noong nakalipas na linggo, papasok at palabas ng bansa.

Maging ang  New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC), ang  operator of Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay handang-handa sa holiday rush kasama pa ang itinayongt  24/7 health desks para sa mga pasahero.

TRAFFIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with