^

Metro

TNVS at PUVs walang permit to operate - LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

Kung hindi magbibigay ng special fare discount

MANILA, Philippines — Binalaan ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) ang mga  operators at drivers ng Transport Network Vehicle Services (TNVS) at Public Utility Vehicles (PUVs) na sundin ang itinatakda ng batas ­hinggil sa pagkakaloob ng special discount sa mga PWD, elderly at mga mag-aaral kung ayaw maparusahan ng ahensiya.

Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III sa ilalim ng Republic Act No. 9994 o ng   Expanded Senior Citizens Act of 2010 at Republic Act No. 7277 o ng  Magna Carta for Disabled Persons, may 20% fare discount ang mga senior citizens, PWDs at mga mag-aaral sa 20% discount tuwing may pasok sa eskuwela batay sa LTFRB memorandum circulars.

“The agency reminded all PUV operators to grant students the discount at all times, including holidays, weekends, and during vacation, 24/7, year-round” ayon kay Guadiz.

Ang paalala ng LTFRB sa naturang mga sasakyan ay ginawa dahil sa mga reklamo sa ahensiya kaugnay nang hindi pag-comply ng mga ito sa naturang mga batas.

Aniya ang mga operators at drivers na mabibigo na sundin ang naturang mga batas ay mahaharap sa mga parusa tulad ng multa, suspension ng franchise operations o pagkansela sa franchise kapag nahuli ang paulit-ulit na paglabag sa batas.

Kaugnay nito nanawagan sa publiko si Guadiz na ipagbigay alam sa ahensiya o sa social media page ng LTFRB  ang mga nalalamang hindi pag-comply ng TNVS at PUVs sa naturang mga batas.

LTFRB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with