^

Metro

Unified 911, isusulong ng DILG

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na  ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang paglalagay ng “national unified 911 emergency system” sa loob ng susunod na tatlong taon.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, magkakaroon ng 10 call centers sa buong bansa na direktang makikipag-ugnayan para sa emergency response.

Aniya, ang unified 911 ay magiging “language-sensitive” upang marespondehan at maayudahan ang mga nangangailangan ng tulong mula sa iba’t ibang  rehiyon na may iba’t ibang wika.

Sinabi ni Remullla na mahalagang may iisang numero na maaaring tawagan ang publiko sa oras ng pangangailangan upang agad na maayudahan.

Palalakasin din ang kakayahan ng local go­vernment units (LGU) upang matiyak ang maayos na paggamit ng panukalang sistema, dagdag pa ni Remulla.

Samantala, kasalukuyang gina­gamit ng DILG ang “modernized 911 emergency system” na ini­lunsad nitong Agosto 2024.

Dagdag pa ni Remulla, kailangan na mas mailapit pa ng pamahalaan ang serbisyo sa iba’t ibang lugar partikular sa mga liblib na probinsiiya.

DILG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with