Caloocan naglabas ng paalala sa Undas 2024
MANILA, Philippines — Naglabas na ng paalala ang Caloocan LGU para sa schedule ng mga sementeryo kaugnay ng paggunita ng All Saints’ sa Nobyembre 1 at Souls’ Days sa Nobyembre 2.
Sa facebook page ni Caloocan City Mayor Dale “Along” Malapitan, nakasad na hanggang Oktubre 29 lamang maaaring maglinis ng mga nitso.
Maaaring dumalaw sa mga pampublikong sementeryo mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2 mula alas 7 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi kung saan may itinalagang mga entrance at exit.
Hindi na papayagan pang makapasok sa mga sementeryo ang mga sasakyan sa Nobyembre 1 at 2.
Ipinagbabawal din ang pagdadala ang mga matatalas at matatalim na bagay, nakalalasing na inumin, paputok, malalakas na sound system, baraha o anumanng uri ng pagsusugal.
Apela ni Malapitan, panatilihing malinis ang mga sementeryo.
Maaari ring makipag ugnayan sa 888 - ALONG (25664) para sa anumang katanungan o emergency.
- Latest