^

Metro

240 PDLs ng NBP pinalaya sa National Correctional Consciousness Week

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinalaya kahapon ng Bureau of Corrections (BuCor) ang 240 persons deprived of liberty (PDLs) kasabay ng pagdiriwang ng National Correctional Consciousness Week.

Ang culminating activity ay ginanap sa New Bilibid Prison (NBP) Sunken Garden ng NBP Compound sa Muntinlupa City pagkatapos ng Thanksgiving Mass para sa nasabing okasyon.

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. na sa mga nakalabas na preso, 124 na ang nakapagsilbi na sa kanilang maximum na sentensya, 30 ang naabsuwelto, 16 ang nasa ilalim ng probation, 69 ang nabigyan ng parole, at isa ang turnover sa kulungan.

Sa nasabing bilang, 19 ay mula sa Correctional Institution for Women ( CIW)-Mandaluyong City), 2 mula sa CIW-Mindanao, 33 mula sa Davao Prison at Penal Farm, 6 mula sa Iwahig Prison at Penal Farm, 15 mula sa Leyte Regional Prison , 49 mula sa New Bilibid Prison (NBP)-Maximum Security Camp, 48 mula sa NBP-Medium Security Camp, 10 mula sa NBP-Minimum Security Camp, 5 mula sa NBP-Reception and Diagnostic Center, 23 mula sa Sablayan Pri­son and Penal Farm, at 30 mula sa San Ramon Prison at Penal Farm.

Bilang highlights sa okasyon, lumagda sa isang kasunduan ang BuCor at BP One Foods Inc. na kinakatawan ng presidente nitong si Antonio Sebastian Escalante, para sa mga oportunidad sa trabaho para sa mga dating PDLs.

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with