^

Metro

Quezon City, MPOX free na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala nang kaso ng MPOX (monkey pox) sa Quezon City sa kasalukuyan.

Ito ang sinabi ni Ms. Sarah Conclara ng MPOX Surveillance Unit ng Quezon City Health Department kaugnay ng MPOx case sa lungsod.

Anya ang apat na pasyente ng Quezon City ay pawang gumaling na makaraan ang ilang buwang gamutan sa tulong ng iba’t ibang interventions na ginawa ng lokal na pamahalaan upang mapigilan ang paglaganap ng naturang virus.

“No new updates sa MPOX situation in Que­zon City. All 4 cases recovered already,” sabi ni Conclara.

Samantala, sinabi ni Atty. Albert Lazo ng QC Business Permit and Licensing Department na lifted na ang temporary closure order na naigawad sa Infinity Spa Center sa E. Rodriguez, ang spa kung saan nagpamasahe ang isang lalaki na nakumpirmang may MPOX virus.

Ang isa pang establisimiyento na naipasara ng QC LGU na F Club ay sarado pa rin makaraang­magawaran ng cease and desist order dahil sa kabiguang mag-comply para sa sanitary permit nito.  

MPOX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with