^

Metro

Sedition at inciting to sedition isinampa vs abogado ni Quiboloy, 11 iba pa

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Sedition at inciting to sedition isinampa vs abogado ni Quiboloy, 11 iba pa
Lawyer Israelito Torreon and detained doomsday preacher Apollo Quiboloy.
Israelito Torreon via Facebook

MANILA, Philippines — Sinampahan na ng kasong sedition at inciting to sedition ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang abogado ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Atty. Israelito Torreon at 11 iba pa sa Department of Justice (DOJ).

Sa pangunguna ni PNP-CIDG chief PBGen. Nicolas Torre III, kinasuhan sina Torreon, Eleanor Cardona, Carlo Catiil, Jeffrey Celis, dating tagapagsalita ng NTF-ELCAC na si Lorraine Badoy-Partosa, Kathleen Kaye Laurente, Trinidad Arafol, Lord Byron Cristobal, Joey Espina Sun, Esteban Lava, Jose Lim III at lawyer Marie Dinah Tolentino-Fuentes.

Ang kaso ay bunsod ng pagharang at tangkang pagpigil ng mga miyembro ng KOJC sa mga pulis na arestuhin si Quiboloy noong Agos­to kung saan may mga pulis na nasaktan.

Batay sa reklamo, naging basehan din ng PNP-CIDG ang pagsasagawa ng kilos-protesta ng mga kasapi ng KOJC sa lansangan taliwas sa permiso ng lokal na pamahalaan na prayer rally lamang sa loob ng compound ng grupo.

“Ang mga in-allege natin doon ang kanilang mga ginawa like calling on the people to rise against the government, to prevent the police from serving the warrant of arrest, and many ­ot­hers,” ani Torre.

Dagdag ni Torre na maghahain lamang ng warrant of arrest ang mga pulis laban sa limang pugante subalit gumawa ng paraan ang mga respondents pigilan ang kanilang trabaho.

ISRAELITO TORREON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with