CBCP president David, itinalaga ng Santo Papa na bagong Cardinal
MANILA, Philippines — Good news, dahil magkakaroon muli ng bagong cardinal ang Simbahang Katolika ng Pilipinas.
Inianunsiyo mismo ng Vatican City nitong Linggo na kabilang si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na siya ring pangulo ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa 21 bagong cardinal na itinalaga ng Santo Papa.
Laking pasalamat naman ni David, 65-anyos, sa ginawang pagtatalaga sa kanya ng Santo Papa bilang cardinal.
Una umano niyang inakala na joke o biro lamang ang balita nang ipabatid ito sa kanya.
Nang mapanood mismo ang video hinggil anunsiyo, na isinagawa mismo ni Pope Francis sa Vatican City matapos ang 12 noon Angelus, ay saka lamang naniwala dito ang bagong cardinal.
Nabatid na tatanggapin ng mga bagong Cardinal ang kanilang red hat sa isang Vatican ceremony, na tinatawag na “consistory” sa Disyembre 8, na Solemnity ng Immaculate Conception.
Inilarawan naman ni Tingog Partylist si Bishop David na isang “beacon of hope, unwavering voice for truth and justice!”.
“On behalf of TINGOG Partylist, I extend my heartfelt congratulations to His Excellency Bishop Pablo Virgilio David of the Diocese of Kalookan on his recent elevation by His Holiness Pope Francis as a Cardinal of the Roman Catholic Church,” ani Tingog Partylist Rep Yedda Romualdez.
Si David, ika-10 paring Pinoy na naitalagang Cardinal, ay tubong Betis, Pampanga, at naordinahan bilang pari sa Archdiocese of San Fernando noong 1983. Kasalukuyan siyang nasa Roma, at pinangungunahan ang CBCP delegation sa second session ng Synod of Bishops on Synodality, na magtatagal hanggang sa Oktubre 27.
- Latest