Patuloy na pag-unlad at pagbabago ng Caloocan tiniyak ni Malapitan
MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan na hindi na sila mapipigil sa pagpapatupad ng pagbabago at pag-unlad sa Lungsod sa mga susunod na taon.
Sa panayam kay Malapitan, sinabi nito na nararamdaman na ng mga “Batang Kankaloo” ang pagbabago at pag-unlad ng lungsod sa larangan ng edukasyon, pangkabuhayan at peace and order.
Sa ginanap na proklamasyon ng Aksyon at Malasakit ni Malapitan na ginanap sa Caloocan Sports Complex, sinabi nito sa tulong ng kanyang mga kaalyado ay mas magiging mabilis at matagumpay ang lahat ng programa ng lungsod.
Muling tatakbo sa pagka alkalde si Malapitan kasama si Vice Mayor Carina Teh at mga konsehal mula sa tatlong distrito ng lungsod.
Marami na siyang ‘resibo’ na naipakita sa mga Batang Kankaloo kaya kampante siya na tuloy ang suporta ng mga ito sa kanyang re election.
Tiniyak ni Malapitan na suportado niya ang lahat kaalyado man niya ito o hindi. Isang araw lang eleksiyon subalit maraming Batang Kankaloo ang dapat na serbisyuhan.
Re electionist din sa pagka-kongresista sina Oca Malapitan sa District 1, Mitch Cajayon, District at Dean Asistion, District 3.
- Latest