Kalaban ng Green Bones, bawal sa Family Feud?
Totoo bang hindi pinayagan ang paglalaro ng ibang entries ng Metro Manila Film Festival sa Family Feud? Dahil daw ito sa may entry ang GMA 7 na Green Bones kaya doon nakatuon ang airtime at promo nila?
Paano ang ibang shows like Fast Talk – hindi ba kailangan ng iba’t ibang content dito? O mananatili na lang ito na kami-kaming Kapuso at atin-atin na lang muna dahil MMFF ito?
Paano sa It’s Showtime pala? May entry rin si Vice Ganda! For sure doon makaka-promote si Vice – eh paano ang ibang ABS-CBN stars din na may entry like Judy Ann Santos, FranSeth (Francine Diaz at Seth Fedelin), Arjo Atayde, Enrique Gil, atbp.?
Akala ba natin wala nang network wars, meron pa ba?
Uninvited, engrande ang launching!
Napakalaki at engrande ng naganap na launch ng Uninvited sa Solaire North noong isang gabi.
Lahat kaya ‘yun ay magbabayad at manonood ng pelikula? Sana!
Ito na ba ang standard ng grand launches – at magpapaulan ng pera o play money?
Claudine, superhuman ang hanap na tauhan!
Talagang umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang post ng aktres na si Claudine Barretto tungkol sa hinahanap niyang ‘multi-tasker’ personal assistant. Grabe naman kasi ang requirements. “Please help me find puwedeng stay-in na secretary, personal assistant na sana sanay sa puyatan at very masipag at marespeto. Better if may experience din sa accounting, ‘yung every Friday i-rereport how much kinita at how much ang nabawas at kung saan ginamit ‘yung money. Take care of the schedule ko at mga bata. Also, s’ya magpapatakbo ng lahat sa bahay namin. ‘Yung masipag, alerto, multi-tasker gaya ko po at importante [sa lahat] very neat and organized.”
Talaga lang accountant tapos taga-linis ha. Iba-iba talagang skills set ang hinahanap ni Claudine – pero sana super bongga rin ang pasweldo niya!
Jusko good luck talaga! Superhuman levels yata ang hinahanap niya!
Richard at Aga, nagsakripisyo para pumayat
Ang hirap pala ng challenge kina Richard Gomez at Aga Muhlach bilang bagong ambassadors ng tuna brand. Talagang healthy living sila, at walang shortcuts! Walang injections or fat burners?
Walang medisina or salamat po dok? All natural talaga?
Paano ngayong panahon ng kainan ngayong Pasko? Paano nila kinakaya? “Mahirap, mahirap talaga!” Pero sa ngalan ng endorsement nilang magkasama – na hindi nila nagawa noong kabataan nila ha, disiplinado at pursigido talaga sila!
All the best, Aga at Goma!
Nakakataquote:
“Kami po ay taos-pusong nananawagan sa lahat na huwag po sanang paniwalaan ang mga kumakalat na maling impormasyon tungkol kay Mercy. Hindi po siya [gumamit] ng anumang bisyo, at siya ay hindi [nanigarilyo o umiinom]. Wala rin pong anumang panayam na ibinigay si Juliet na naglalaman ng mga pahayag laban sa kanyang kapatid.
“Nais po naming humiling ng respeto, hindi lamang para kay Mercy, kundi pati na rin para sa kanyang pamilya.
“Isipin po sana natin ang bigat ng epekto ng ganitong mga maling balita. Sa paghahangad ng atensyon at ‘clicks,’ nawawala po ang paggalang sa dignidad ng mga yumao. Sana po, makapagbigay ito ng pagkakataon sa lahat na magmuni-muni at maging mas responsable sa pagbabahagi ng impormasyon.
“Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.”
- Pakiusap mula sa Aegis
- Latest