Aga, kasumpa-sumpa sa pasko
Tulad ni Nadine, ibang-ibang Aga rin ang nasilip sa trailer ng Uninvited.
Grabe, parang isusumpa mo talaga.
At si Ate Vi pa mismo ang tumawag sa kanya para tanggapin niya kaagad ang pelikula. At happy raw siya na ginawa niya ito kaagad.
Pangatlong pagsasama na nila ito ni ate Vi.
“It comes in threes, ‘di ba? This is our 3rd film. I’m okay. Done na ako sa buhay. And proud ako sa dalawang pelikulang ginawa namin. ‘Eto, sobra akong proud dito sa pangatlong ‘to.
“Nae-excite lang po ako. Salamat sa pagkakuha n’yo sa akin sa pelikulang ito,” sey ng aktor.
“I called her up and I just asked her, ‘gagawin mo ba ‘to? Ikaw ba talaga? Tuloy ba talaga ‘to?’ Sabi niya, ‘yes,’ sabi niya, ‘Agathon, gawin mo ‘to.’ Hindi naman niya kailangang magsalita pa,” sey ni Aga.
Masamang ama siya rito na akala niya nung una ay leading lady niya si Nadine.
“Hindi po siya mahirap gawin ‘pag ang kasama mo, puro magagaling. It was really an experience para sa akin. I was just having fun on set. Masaya ko siya ginawa. Masayang maging masama. Sa pelikula,” sey ng aktor.
Ang Uninvited ay isa sa official entries ng 50th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Disyembre 25. Ito ay produced ng Mentorque Productions ni Bryan Diamante at ng Project 8 Projects sa pakikipagtulungan ng Warner Bros. Pictures mula sa direksyon ni Direk Dan Villegas.
Kasama rin sa cast sina RK Bagatsing, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Gabby Padilla, Elijah Canlas, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Cholo Barretto, Ron Angeles, at Tirso Cruz III.
- Latest