^

Metro

MRT-3 trains, nagbawas ng operating speed dahil sa ‘doublet’ na lindol

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
MRT-3 trains, nagbawas ng operating speed dahil sa ‘doublet’ na lindol
Sa abiso ng MRT-3, binawasan nila ang operating speed ng mga tren ng hanggang 40 kilometer per hour (kph) dahil sa lindol na naramdaman dakong alas-7:16 ng umaga.
STAR/File

MANILA, Philippines — Napilitang magbawas ng operating speed kahapon ang mga tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) matapos ang naganap na magkasunod na lindol o ‘doublet’ na lindol na naramdaman sa Metro Manila.

Sa abiso ng MRT-3, binawasan nila ang operating speed ng mga tren ng hanggang 40 kilometer per hour (kph) dahil sa lindol na naramdaman dakong alas-7:16 ng umaga.

Kaagad ding nagsagawa ang mga tauhan ng MRT-3 ng inspeksiyon sa rail system upang matiyak na walang pinsalang idinulot ang lindol.

Pagsapit naman ng alas-8:05 ng umaga, naibalik na rin ang maximum operating speed ng mga tren.

“As of 8:05 am, trains have resumed their maximum opera­ting speed after the MRT-3 team completed an inspection of the rail system following an earthquake felt along the line,” anang MRT-3. “Operating speed was earlier restricted to 40kph due to an earthquake felt at around 7:16 am. Please stay tuned on this page for more updates.”

Sa abiso ng Philippine Institute of Volca­nology and Seismo­logy (Phivolcs), niyanig ng dalawang magkasunod na lindol ang Jomalig, Quezon dakong alas-7:16 ng umaga.

Paliwanag ng Phivolcs, tinatawag ang dalawang events na ito na “doublet.” Nangyayari anila ito kapag ang dalawang lindol na halos may parehong lakas ay nangyari sa iisang lugar.

Base sa monitoring ng ahensiya, parehong tectonic ang pinagmulan ng dalawang tumamang lindol sa naturang bayan.

Bandang alas-7:16 ng umaga, inisyal na napaulat na niyanig ang Jomalig, Quezon ng magnitude 5.6 na may lalim na 1 kilometro subalit ibinaba ito kalaunan sa M5.3.

Muling nagkaroon ng pagyanig dakong alas-7:55 ng umaga na bahagyang mas mahina na Magnitude 5.0 subalit ibinaba kalaunan sa Magnitude 4.9.

Samantala, naramdaman din ang pagyanig sa Metro Manila kung saan naitala ang Intensity III sa Quezon city.

Wala namang napaulat sa ngayon na pinsala o nasugatan sa naturang mga pagyanig.

vuukle comment

METRO RAIL TRANSIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with