^

Metro

‘Brigada Eskwela’ itinakda na sa Hulyo 22

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
‘Brigada Eskwela’ itinakda na sa Hulyo 22
This photo shows community stakeholders paritcipating in the "Brigada Eskwela" program of the Department of Education.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Itinakda na ng Department of Education (DepEd) ang pagdaraos ng Brigada Eskwela para sa School Year (SY) 2024-2025 sa Hulyo 22, 2024. Batay sa Memorandum No. 33-2024, na inilabas ng DepEd kamakalawa, magtatagal ang Brigada Eskwela hanggang sa Hulyo 27 lamang.

Ang tema ng natu­rang aktibidad ngayong taon ay “Bayanihan para sa Matatag na Paaralan.

Isasagawa ang National Brigada Eskwela Kick-off Program sa Hul­yo 17, 2024 sa Carmen National High School, sa Schools Division of Office (SDO) ng Cebu Province VII, at ito ay naka-live streamed sa DepEd Philippines official Facebook page.

“Regional offices and SDOs may hold their own advocacy activities in their area to launch and campaign for Brigada Eskwela,” anang memorandum.

Ang Brigada Eskwela ay ang taunang school maintenance program ng DepEd upang ihanda ang mga paaralan sa pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral.

Nakatakdang magbukas ang klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa sa Hulyo 29. Umaarangkada naman na ang enrollment period para sa SY 2024-2025, na nagsimula noong Hulyo 3 at magtatagal hanggang Hulyo 26.

BRIGADA ESKWELA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with