Ilang lugar sa Quezon City, iwasan sa Pride March Day
MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Quezon City local government ang mga motorista na huwag daraan ng ilang lugar sa lungsod kaugnay ng gagawing Pride March sa bandang hapon bukas, Hunyo 22.
Sa traffic advisory ng QC LGU ang Pride PH Festival March at Float Parade ay magsisimula sa Tomas Morato Avenue papuntang Timog Avenue, Quezon Avenue papuntang Elliptical Road at papasok ng QC Memorial Circle sa may Commonwealth Avenue Gate.
Sinabi ni Mr Dexter Cardenas, hepe ng Traffic and Transport Management Department ng QC, asahan na ang traffic sa naturang mga lugar sa Sabado kayat dapa’t itong iwasan ng mga motorista.
Ayon kay Pride PH convenor Vince Banal, inaasahang nasa 200,000 indibidwal mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang makikiisa sa naturang okasyon na mula sa LGBTQIA+community.
Kaugnay nito, sinabi ni QCPD director Red Maranan na magde-deploy siya ng higit 2,000 tauhan para magmantine ng kapayapaan at kaayusan ng okasyon.
Una nang sinabi ni QC mayor Joy Belmonte na patuloy na kakalingain ng lokal na pamahalaan ang naturang komunidad dahil sa QC ang lahat ay pantay-pantay sa pagtrato at walang diskriminasyon.
- Latest