^

Metro

7 nagbebenta ng posisyon, promosyon sa gobyerno, timbog!

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
7 nagbebenta ng posisyon, promosyon sa gobyerno, timbog!
Ayon kay NBI Ilocos Regional Office Regional Director Ferdinand Lavin, ang modus ng pito ay naniningil ng bayad sa mga taong nais na mabigyan ng puwesto sa gobyerno o ‘di kaya’y gustong ma-promote sa posisyon sa gobyerno.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Natimbog ng mga elemento ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong katao na umano’y sangkot sa pagbebenta ng posisyon at promosyon sa gob­yerno.

Ayon kay NBI Ilocos Regional Office Regional Director Ferdinand Lavin, ang modus ng pito ay naniningil ng bayad sa mga taong nais na mabigyan ng puwesto sa gobyerno o ‘di kaya’y gustong ma-promote sa posisyon sa gobyerno.

“Sinasabi po nila, ‘pag ikaw ay appointee ng past administration, you just might be removed. With the ongoing political situation, they took advantage and exploited this piece of information. At sinasabi nila, lilinis at tatanggalin ‘yung na-appoint dati. And then they are now selling the positions and or the promotions,” sabi ni Lavin.

Anya ang mga suspek ay nahuli sa isang operasyon sa Pasig City na ang anim sa mga ito ay nakasuot ng jacket na may  insignia ng  Malakanyang at Office of the President.

Sinasabing ang isa sa mga suspek ay unang nahuli ng NBI dahil sa higit 20 kasong kriminal at may record na sangkot sa kasong estafa, illegal recruitment, usurpation of authority, paggamit ng alyas at nagtatago ng tunay na pagkatao sa pamamagitan ng pangalan.Ito umano ay may kaso sa Metro Manila, Cebu, Davao, Bulacan, Calamba at may 20 taon nang ginagawa ang modus.

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na ang mga arestadong suspek ay nagpapakilalang assistant secretary ng Presidential Management Staff at nagsabing naatasan na lilinisin ang gobyerno.

Nakuha mula sa mga suspek ang laptop at mobile gadget na naisumite na para isailalim sa forensic examination.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with