Work permits sa POGO foreign workers, tigil na – DOLE

Ayon kay DOLE-National Capital Region (DOLE-NCR) director Sarah Mirasol, Mayo 2 pa nang itigil nila ang pagtanggap ng aplikasyon para sa alien employment permits (AEP) sa mga POGO workers.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Itinigil na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pag-iisyu ng mga work permits sa mga dayuhan na nagtatrabaho sa mga Philippine Offshore Ga­ming Operators (POGOs).

Ayon kay DOLE-National Capital Region (DOLE-NCR) director Sarah Mirasol, Mayo 2 pa nang itigil nila ang pagtanggap ng aplikasyon para sa alien employment permits (AEP) sa mga POGO workers.

Sinabi ni Mirasol na tatanggap na lamang sila ng aplikasyon para sa Regular Internet Gaming Licenses, Provisional Internet Gaming Licenses o may Notice of Approval ng mga nabanggit na lisensiya na inisyu ng PAGCOR at Authorizations o Notice of Approval ng Authorizations for Gaming Content Providers and Support Providers.

Tatanggap din umano ang DOLE ng Accreditations o Notice of Approval of Accreditation ng mga service providers na Local Gaming Agents; Special Class ng BPO; Training Program Providers; Independent Testing Laboratories; Probity Checkers; at Accredited Hubs.

Aniya pa, ang mga lisensiya, awtorisasyon at akreditasyon o kanilang notices of approval ay titingnan din sa listahan ng PAGCOR.

Paglilinaw niya, ang mga kumpanya na nagsumite ng aplikasyon na may mga nasabing dokumento ngunit wala naman sa listahan ng PAGCOR ay hindi tatanggapin ng DOLE-NCR.

Show comments