^

Metro

Army Major pinasok sa opisina, inutas!

Doris Franche-Borja, Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Army Major pinasok sa opisina, inutas!
Kinilala ni PCol. Relly Arnedo, Bulacan Police director ang biktima na si Major Dennis Moreno, 41, may-asawa, miyembro ng Philippine Army, nakatalaga sa AFP-RESCOM (Reserve Command) General Headquarters at residente ng Brgy. San Roque, Angat, Bulacan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang mataas na opisyal ng Philippine Army matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa kanyang tanggapan sa Brgy. Marungko, Agat, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PCol. Relly Arnedo, Bulacan Police director ang biktima na si Major Dennis Moreno, 41, may-asawa, miyembro ng Philippine Army, nakatalaga sa AFP-RESCOM (Reserve Command) General Headquarters at residente ng Brgy. San Roque, Angat, Bulacan.

Sa inisyal na report ng Angat Police, nangyari ang insidente dakong alas-5:45 ng hapon nitong Sabado sa loob ng tanggapan ng SEM278 Enterprise sa Brgy. Marungko.

Ayon sa imbestigasyon at sa salaysay ng saksing sekretarya ng biktima, nakaupo ang opisyal sa kanyang opisina nang pasukin at pagbabarilin ng isa sa mga suspek gamit ang maiksing baril.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril lulan ng itim na motorsiklo patungo sa hindi batid na direksyon.

Agad namang dinala ang biktimang duguan dahil sa tama ng mga bala sa iba’t ibang parte ng katawan sa Twin Care Hospital para sa paunang lunas subalit binawian din ng buhay.

Nabatid sa mga awtoridad na posibleng may kinalaman sa negosyo nitong trucking ang sanhi ng pamamaslang sa opisyal.

Nagsasagawa na ng dragnet operation at malalimang imbestigasyon ang binuong task group ng pulisya para mahuli ang suspek. Sinisilip na rin ang mga CCTV sa lugar upang makatulong sa imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng suspek.

Hustisya naman ang isinisigaw ng pamilya-Moreno dahil sa brutal na pagpatay sa major, mga kasamahan nito sa Phl Army at maging ng kanyang mga Mistah sa Philippine Military Academy (MA) Baghawi Class 2008.

vuukle comment

ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with