^

Metro

270 ektaryang lote sa Masungi Georeserve, ‘di tatayuan ng NBP facilities - BuCor

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. kay Senate President Pro -Tempore Loren Legarda na sa kabila ng pagsisikip ng mga pasilidad para sa mga persons deprived of li­berty (PDLs), hindi magtatayo ang kawanihan ng mga kulungan sa may 270 ektaryang lote sa Masungi Georeserve sa Tanay, Rizal.

Gayunman, sinabi ni Catapang na ang detachment para sa mga “forest rangers” sa loob ng nasabing lote ay kailangang itayo upang matiyak na ang lote sa ilalim ng BuCor ay mapapangalagaan, ani Catapang.

Ayon kay Catapang, mayroong 20-30 ektarya mula sa 270 ektarya na “vacant spaces” sa ilalim na bahagi ng Masungi na maaaring gamitin para sa layuning ito nang hindi nakagagambala sa landscape ng lugar.

“The bureau with proper coordination with the Department of Environment and Natural Resources not misconstrued this to anything because we only want to determine the meets and bounds of BuCor property that we need to secure,” paliwanag ni Catapang.

Ang 270 ektaryang property sa Masungi ay iginawad sa BuCor nang lagdaan ni da­ting Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Proclamation No. 1158.

Ito dapat ang lokasyon ng New Bilibid Prison (NBP) kasama na ang planong paglilipat ng pambansang punong-tanggapan ng BuCor bilang bahagi ng proklamasyon ngunit ipinagpaliban ni Catapang ang ideya habang naghihintay ng karagdagang pag-aaral ng proyekto.

Sa patnubay ng aniya, ni Justice Secretary Crispin Remulla, hindi gagamitin ang ari-arian ng Masungi para sa anumang layunin na makakaapekto sa ekolohiya at pagpa­panatili ng lugar.

vuukle comment

BUCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with