^

Metro

Grade 7 nakipag-eyeball sa ka-chat, kinuyog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan at ginagamot sa ospital ang isang Grade 7 student matapos na pagtulungang bugbugin ng kasintahan at kaibigan ng dalagitang chatmate nito na kanyang kikitain, kamakalawa ng madaling araw sa Quezon City.

Ang biktima ay tinago sa pangalang Ralph, 15-anyos at residente ng GK Licad Australian Village, Payatas, Quezon City habang arestado ang isa sa limang suspek na si Mark Vincent Zafe, 18- anyos.

Sa imbestigasyon, dakong alas-3 ng madaling araw nitong Lunes, nakipagkita ang biktima sa kanyang ka-chat na si “Trisha” na girlfriend naman umano ng isa sa mga suspek na 17-anyos, sa Daisy St. Payatas, QC.

Nagulat na lamang ang biktima nang sinugod siya ng limang suspek at pinagtulungang bugbugin. Pinalo rin umano siya ng bote sa ulo ng 17-anyos na suspek.

Rumesponde naman ang mga barangay tanod sa lugar hanggang sa nagpulasan ang mga suspek subalit naaresto si Zafe.

Kakasuhan ng paglabag sa RA7610 at frustrated homicide si Zafe.

vuukle comment

PAYATAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with