^

Metro

Embo barangays. kakalingain pa rin ng Makati City

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Embo barangays. kakalingain pa rin ng Makati City
Sa pamamagitan ng one-stop shop mobile center na lingguhang umiikot sa mga barangay sa lungsod, pwede na ang mga residente ng EMBO kahit pa sila ay nasasakop na ng Taguig City, alinsunod sa naging kautusan ng Korte Suprema noong nakaraang taon.
Philstar.com / Irra Lising

May libreng access sa one-stop shop mobile center ng lungsod

MANILA, Philippines — Maaari na mu­ling mapaglingkuran ng Makati City local government ang mga residente ng EMBO o enlisted men’s barrio sa iba’t-ibang serbisyong inaalok ng Lingkod Ba­yan Caravan project nito.

Sa pamamagitan ng one-stop shop mobile center na lingguhang umiikot sa mga barangay sa lungsod, pwede na ang mga residente ng EMBO kahit pa sila ay nasasakop na ng Taguig City, alinsunod sa naging kautusan ng Korte Suprema noong nakaraang taon.

Kabilang dito ang barangays Cembo, Comembo, Pembo, East Rembo, West Rembo, South Cembo, Pitogo, Post Proper Northside, Post Proper Southside, at Rizal.

Una nang inanunsyo ni Makati City Mayor Abigail Binay na may libreng konsultasyon ang EMBO residents sa lahat ng barangay health centers at sa Ospital ng Makati (OsMak), para tugunan ang mga reklamo ng mga apektadong residente sa kakulangan umano ng health services sa Taguig City.

Panawagan ni Binay sa mga residente ng EMBO, magmonitor palagi sa Facebook page, na “My Makati”, para sa updates at schedule kung saan maaring matagpuan ang multiservice caravan.

“We gladly welcomed hundreds of EMBO residents, who came all the way to District 1 to avail themselves of free health services and other benefits offered during each caravan,” ani pa ni Binay.

Ang apat na barangay health cen­ters naman ay avai­lable mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi, sa tuwing weekdays si­mula Pebrero 12 upang ma-acomodate ang mga taga-makati at ang mga residente ng EMBO barangays.

vuukle comment

MAKATI CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with