^

Metro

Deadline sa pagkuha ng unclaimed UMID cards, itinakda ng SSS sa Desyembre 29

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binigyan lamang ng Social Security System (SSS) nang hanggang Disyembre 29 ngayong taon ang mga miyembro para kunin ang kanilang unclaimed Multi-Purpose Identification (UMID) cards.

Partikular na tinukoy  dito ng SSS ang mga miyembro na nag-apply ng Umid Cards  sa pagitan ng Agosto 2017 hanggang Disyembre 2020.

Ayon sa SSS, oras na matapos and deadline sa pagkuha ng unclaimed cards kabilang ang mga ibinalik ng Phi­lippine Postal Corporation sa SSS na bigong maihatid ng dalawang beses ay itatapon na batay sa SSS retention policy.

Kaugnay nito, pi­nayuhan ang mga member na mag log-in sa My.SSS Portal account at www.sss.gov.ph para malaman ang status ng kanilang UMID card application.

Kailangan din umano, ayon pa sa SSS na gawing updated ng mga miyembro ang kanilang contact information upang masama sa mahahalagang notification mula sa SSS.

Mula Pebrero 2023, tumigil ang SSS sa pagtanggap ng application para sa regular UMID cards, pero nag-alok ng UMID ATM Pay Card na exclusive sa SSS members na mayroong  existing UMID cards o pending UMID card applications.

vuukle comment

SOCIAL SECURITY SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with