^

Metro

Criminology student patay sa hazing ng Tau Gamma

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Criminology student patay sa hazing ng Tau Gamma
Ang apat na suspects na sangkot sa hazing at sa pagkamatay ng criminology student na si Ahldryn Bravante nang dalhin sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa Camp Karingal, kahapon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Patay ang isang criminology student ng Philippine College of Criminology (PCCR) matapos umanong sumailalim sa hazing ng Tau Gamma Phi Fraternity, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Idineklarang dead- on-arrival sa Chinese General Hospital ang biktimang si Ahldryn Lery Chua Bravante, 25, 4th year Crimino­logy Student at residente ng Pinabayaan Esguerra Compound, Brgy. Pasong Buaya, Imus, Cavite.

Nasa kustodiya naman ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Group (QCPD-CIDU) ang apat sa mga suspek at mga initiator na  sina Justine Cantillo Artates, 20, Kyle Michael Cordeta de Castro, 21; Lexe Angelo Diala Manarpies, 20 at Mark Leo Domecillo Andales, 20.

Batay sa imbestigasyon nina PMSg. Alvin G Quisumbing at PCpl. Nestor V Ariz, Jr,. nangyari ang insidente dakong alas-2 ng hapon nitong Lunes  sa abandonadong gusali ng STEPS Condominium sa Calamba St., Brgy. Sto Domingo, Quezon City.

Alas -7 ng gabi nang nakatanggap ng tawag ang Blumentritt PCP ng Manila Police District mula sa Chinese Ge­neral Hospital na isang lalaki na puno ng pasa at walang malay ang dinala ng dalawang lalaki.

Agad na  nagtungo sa CGH sina PSSg. Paolo H De Guzman, PCpl. Benedict Gutierrez at Pat. Mac Rupert Delatado ng MPD.

Sa salaysay nina   Artates at de Castro, inamin ng mga ito na miyembro sila ng Tau Gamma Phi Fraternity Philippine College of Criminology (PCCR) Chapter at sumasailalim sa initiation rites si Bravante .

Napansin na lamang nilang nahirapan sa paghinga si Bravante at nawalan ng malay kaya dinala na nila sa nasabing ospital.

Bandang 6:40 ng gabi nang ideklaranng DOA ni Dr. Pamela Tangcueco ang biktima habang inaresto sina Artates at de Castro. Boluntaryo namang sumuko sina Manarpies at Andales.

Lumilitaw sa cursory examination na nagtamo ng hematoma sa magkabilang hita ang biktima bukod pa sa mga paso ng sigarilyo sa dibdib at kamay.

Tinungo naman ng SOCO Team ng QCPD Forensic Unit sa pa­ngunguna ni PSMS Federico Manzano ang lugar ng initiation rites at tanging anim na bote ng tubig lang ang nakita.

Nagsasagawa pa ng follow-up ang pulisya upang mahanap ang posibleng ginamit na pamalo sa biktima.

CRIMINOLOGY

HAZING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with