5 ‘tulak’ sa Valenzuela, Caloocan timbog
MANILA, Philippines — Nasakote ng mga tauhan ng Valenzuela at Caloocan City Police ang limang kilabot na tulak ng droga sa magkahiwalay na buy-bust operations sa nasabing mga lungsod.
Ayon kay Northern Police District director PBrig. Gen. Rizalito Gapas, naaresto sa Valenzuela ang mga suspek na tinukoy sa alyas “Michael”, 50, habang sa Caloocan ay sina alyas “Bodo”, 39, garbage collector; alyas “Boy”, 30, cellphone technician; alyas “Dondon”, 40, construction worker at isang alyas “Judith”, 40; pawang ng Barangay 12, Caloocan City.
Batay sa report ni Valenzuela City Police chief PCol. Salvador Destura nagsagawa ng buy-bust operation ang SDEU-VCPS sa pangunguna ni PEMS Restie Mables sa superbisyon ni PCapt. Joel Madregalejo kahapon ng umaga sa McArthur Hway corner ACA St. Malanday, Valenzuela City. Nakuha rito ang isang plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance; limang plastic sachet na may pinaniniwalaang shabu; P500 bill; isang Honda Click 125i at 30 gramo ng shabu na nagkakahalaga ngP204,000.00
Samantala, ini-report ni Caloocan City Police chief Col. Ruben Lacuesta na ang pagkakadakip kina alyas Bodo, Boy, Dondon at Judith ay kasunod ng positibong impormasyon sa ginagawang kalakaran ng droga.
Agad na pumosisyon ang mga awtoridad hanggang sa maisakatuparan ang transaksiyon at madakip ang apat. Nakuha sa kanila ang shabu na nagkakahalaga ng P68,000.
Nakuha rin mula sa mga suspek ang isang medium-sized sealed transparent plastic sachet, anim na medium heat-sealed transparent plastic sachet, isang medium open-cut plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu; isang P500 bill; limang pirasong P1,000 marked money; bag, cellphone; leather holster; cal. 38 Armscor 2015 revolver; cal. 38 live ammunition;strip aluminum foil; lighter at limang pirasong ziplock.
Ang mga suspek ay nasa kustodiya na ng DDEU at nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165.
- Latest