^

Metro

P3 milyong shabu nasabat sa 2 ‘tulak’ sa Taguig

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Timbog ang dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa loob ng compound ng isang mosque sa Ta­guig City kamakalawa ng hapon na nagresulta rin sa pagkakasabat sa higit P3 milyong hinihinalang shabu.

Kinilala ng Taguig Police Station ang mga nadakip na sina Empoy Cayagcag, 54, nakatira sa Al-Irshad Mosque Compound, sa Road 14, Maguin­danao St., Brgy. New Lower Bicutan; at si Mecky Untua, 42, nakatira naman sa E. Reyes St., Brgy. New Lower Bicutan.  Nakatala ang dalawa bilang mga high-value target ng Station Drug Enforcement Unit.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon nang magkasa ng ope­rasyon ang mga pulis sa loob ng Al-Irshad Mosque Compound, kung saan isang police asset ang nagpanggap na buyer at nagawang makipagtransaksyon sa dalawang suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang siyam na piraso ng heat-sealed plastic sachet na nag­lalaman ng higit-kumulang 450 gramo ng shabu na may hala­gang P3,060,000.00, at isang cellular phone.  Narekober naman ang 59 pirasong boodle money at ang P1,000 bill na ginamit na marked money.

Nakaditine na nga­yon ang mga suspek sa Taguig Custodial Jail at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002 sa Taguig City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

TIMBOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with