^

Metro

1,746 indibidwal, benepisyaryo ng dagdag na pamumuhunan sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 1,746 indibidwal ang napagkalooban ng financial assistance ng lokal na pamahalaan ng  Quezon City.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, tig- P5,000  bawat isa ang natanggap ng mga benepisyaryo sa ilalim ng programang Small Income Generating Assistance (SIGA) ng Social Services Development Department (SSDD).

Sinabi ni Belmonte, layunin ng programa na mabigyan ng capital assistance ang mga benepisyaryo para maging puhunan sa kanilang napiling negosyo.

Ang grupo naman ng Foodilicious, Tender Meat Masters, Lady Bubbles at Mary’s Collection and Sewing Craft ay nagkaroon ng aabot sa P60,000 mula Sikap At Galing Pangkabuhayan (SIGAP) para mas mapalago at maparami pa ang kanilang mga produktong itinitinda.

Inaanyayahan ni Belmonte ang mga residente sa lungsod na  makipag-ugnayan  sa SSDD kung may kakaiba at bagong ideya kaugnay ng naturang programa.

SSDD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with