^

Metro

PNP nagbabala sa mga vloggers vs prank video

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. sa mga content creator o vlogger na gumagawa ng takot at kaguluhan sa publiko dahil sa prank video.

Ang babala ay ginawa ni Acorda  matapos arestuhin ng Las Piñas City Police Station kamakailan ang tatlong sikat na vlogger na kilala bilang “Tukomi brothers” na sina Mark Heroshi San Rafael, Mark Lester San Rafael, at Eleazar Steven Fuentes.

Ayon kay Acorda, papanagutin nila ang mga vloggers at content creators tulad ng tatlong dinakip  dahil hindi biro ang ginawa ng mga ito na kidnapping prank. Nag-viral ang nasabing prank video.

Ang mga akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Art. 513 ng Revised Penal Code o Alarm and Scandal dahil sa insidenteng kinasangkutan ng mga ito noong April 6, 2023.

Matatandaang nagsagawa ng kidnapping prank ang tatlong popular na You-tuber na hindi natuloy matapos masaksihan ng isang pulis at muntik nang tumuloy sa engkwentro.

PNP

VLOGGER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with