^

Metro

Big time oil price hike, sasalubong ngayong unang araw ng Agosto

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Big time oil price hike, sasalubong ngayong unang araw ng Agosto
Ito ay makaraang mag-abiso ang Chevron Philippines Inc. (Caltex), Pilipinas Shell Petroleum Corp., at Seaoil Philippines Corp. na sila ay magtaas sa halaga ng kanilang gasolina ng P2.10 kada ­litro, samantalang tataas  ang presyo ng diesel ng P3.50 sa kada litro at aabutin naman sa  P3.25 ang itataas sa kada litro ng  kerosene.
Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Kalbaryo sa big time oil price hike ang sasalubong sa mga motorista sa unang araw ng Agosto, ngayong Martes.

Ito ay makaraang mag-abiso ang Chevron Philippines Inc. (Caltex), Pilipinas Shell Petroleum Corp., at Seaoil Philippines Corp. na sila ay magtaas sa halaga ng kanilang gasolina ng P2.10 kada ­litro, samantalang tataas  ang presyo ng diesel ng P3.50 sa kada litro at aabutin naman sa  P3.25 ang itataas sa kada litro ng  kerosene.

Ayon sa Cleanfuel, Phoenix Petroleum Phi­lippines Inc. at PTT Philippines Corp. ganitong price adjustments din ang kanilang ipapatupad maliban sa kerosene .

Ang big time oil price hike ay ipatutupad ng naturang mga oil companies  ngayong Martes (August 1)  simula  alas- 6  ng umaga  maliban sa  Caltex  na ang price adjustment  ay magsisimula alas-12:01  ng madaling araw at ang  Cleanfuel ay alas -4:01 pa ng hapon ng Martes.

Ito na ang ikatlong linggo ng pagpapatupad ng oil price hike sa gasolina at ikaapat na linggo na sa pagtaas ng presyo ng diesel at kerosene.

Wala namang abiso ang ibang oil companies sa oil price adjustment ngayong linggo.

vuukle comment

OIL HIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with