^

Metro

Manila Water, public at private sector kapit-bisig sa pagdiriwang sa Earth Day

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magkakasamang ipi­nagdiwang ng Manila Water at mga partners sa public at private sectors ang Earth Day sa pamamagitan ng pagsasagawa ng hike at bike para sa kalikasan.

Ang  Earth Day na ipi­nagdiriwang tuwing April 22 ng bawat taon, ang Manila Water kasama ang kanilang partners ay nagsama sama ulit sa La Mesa Nature Reserve sa Quezon City para sa ikalawang taong pagsasagawa ng Lakbay Kalikasan: Hike and Bike for Nature.

May 120 participants ang nakiisa sa aktibidad na nagmula sa government at private sectors, hiking at biking enthusiasts gayundin ang publiko na nakiisa sa pangangalaga sa kapaligiran at kalikasan sa pamamagitan ng pag-adopt at pagmamantine ng mga puno sa loob ng La Mesa Nature Reserve.

Tampok sa hiking activity ang 4.5 hanggang 6-kilo­meter trail sa biodiversity sa loob ng La Mesa Nature Reserve habang ang biking activity ng mga cyclists ay sa scenic 9-kilometer trail ng  watershed area.

Ang aktibidad ay bahagi ng hakbang ng Manila Water para sa pagpapanatili ng kanilang operasyon. Layunin ng Manila Water na maibsan ang environmental degradation sa pamamagitan ng pangangalaga sa likas na yaman at panganga­laga sa watershed areas at responsableng paglilinis ng raw water at wastewater at iba pa.

Dahil sa maayos na paggamit ng natural resources at materyales, ang Manila Water ay nanatiling may  lowest ave­rage NRW levels sa lahat ng mga bansa sa Asya na may rate na 12.69% noong 022. Ang kumpanya ay naka recover ng 1.083 million cubic meters (mcm) backwash sa pamamagitan ng Water Efficiency Program.

vuukle comment

EARTH DAY

WATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with