P11.8 milyong halaga ng counterfeit products, nasamsam ng NBI
MANILA, Philippines — Nasamsam ng mga elemento ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) kasama ang NBI-Intellectual Property Rights Division (IPRD) ang may P11.8 milyong halaga ng mga counterfeit products sa anim na establisimyento sa Caloocan, Malabon at Valenzuela at apat na establisimyento sa Pasay.
Ang hakbang ay ginawa ng NBI bilang tugon sa reklamo ng kompanyang Lee Bumgarner Inc dahil apektado na ang negosyo ng kanilang mga kliyente hinggil sa mga naglipanang pekeng Vans at Crocs products tulad ng footwear at slippers.
Makaraang isilbi din ang search warrant, apat pang establisimyento ang ginalugad ng NBI sa Pasay City at dito nasamsam din ang mga pekeng Vans at Crocs products.
Ang mga may-ari ng mga pekeng produkto ay kakasuhan ng paglabag sa Trademark Infringement sa ilalim ng R.A. No. 8293.
- Latest