^

Metro

Riding-in-tandem tiklo sa panghoholdap sa 2 Hapon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Riding-in-tandem tiklo sa panghoholdap sa 2 Hapon
Nahaharap sa reklamong robbery at illegal possession of firearms sa Makati City Prosecutor’s Office ang mga suspek na sina alyas Wendell, 26 at alyas Jeffrey, 23, matapos mabawi sa kanilang pag-iingat ang ¥10,000,00.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado ang ri­ding-in-tandem na nangholdap sa dalawang Japanese national sa isinagawang dragnet operation ng Makati City Police kamakalawa ng umaga sa nasabing Lungsod.

Nahaharap sa reklamong robbery at illegal possession of firearms sa Makati City Prosecutor’s Office ang mga suspek na sina alyas Wendell, 26 at alyas Jeffrey, 23, matapos mabawi sa kanilang pag-iingat ang ¥10,000,00.

Batay sa reklamong idinulog ng dalawang lalaking Japanese national na may edad 62 at 33, bandang alas-8:45 ng gabi ng Nobyembre 7 nang holdapin sila ng dalawang lalaking armado ng baril sa Don Chino Roces Avenue.

Inilarawan ng mga biktima ang motorsiklo ng mga suspek na wala umanong nakakabit na plate number kaya ikinasa ang dragnet ­operation.

Alas-6:50 ng umaga ng Nobyembre 8 nang masakote ang dalawang suspek ng mga operatiba ng Makati City Police Sub-station 3, sa Don Chino Roces Avenue, harapan ng Makati Cinema Square, sa Barangay Pio Del Pilar, Makati.

Nakuha sa mga suspek ang isang X9 9mm firearm na may serial number at magazine na kargado ng 4 bala at ang sampung piraso ng ¥1,000 bills.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with