^

Metro

Singil sa tubig, nakaambang tumaas sa Enero

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Singil sa tubig, nakaambang tumaas sa Enero
Ayon kay Jeric Sevilla, spokesperson ng Manila Water  ang environmental charge ang magpapalaki ng bayarin sa tubig ng customer.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Posibleng magkaroon ng pagtaas sa singil sa tubig sa Enero ng susunod na taon dulot ng environmental charge na binabayaran ng mga customer.

Ayon kay Jeric Sevilla, spokesperson ng Manila Water  ang environmental charge ang magpapalaki ng bayarin sa tubig ng customer.

“For example, kung 20 cubic meters ang kunsumo, ang 25 percent dun sa basic charge na nasa P300 plus nasa P82 ang environmental charge,” pahayag ni  Sevilla.

Sinasabing  mananatili naman sa 20 percent ang environmental charge ng Maynilad pero lalaki pa rin ang bill dahil tataas din ang basic charge dito.

Ang kinukuhang  environmental charge sa mga customer ay ginagamit naman sa paglilinis ng poso negro ng bahay ng mga water customer,  watershed management at waste water.

Niliwanag naman ni  Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Chief Regulator Patrick Ty  na tinaasan ng Manila Water ang  environmental charge sa mga customer dahil mas malaki na ang kanilang se­wered lines.

JERIC SEVILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with