Water at wastewater service expansion sa East Zone, pinaigting ng Manila Water
MANILA, Philippines — Mahigit sa 7.4 milyong consumers sa East Zone ng Metro Manila at lalawigan ng Rizal ang ngayoy 24/7 na nasusuplayan ng malinis na inuming tubig dahil sa pinaigting na service expansion program ng naturang kompanya.
Nitong September 2022, ang Manila Water ay nakapaglagay na ng kabuuang 1,142,884 water service connections na kapapalooban ng 1,088,097 domestic connections at 54,787 commercial at industrial connections para sa kabuuang 7,446,386 populasyon.
Sa 3rd quarter ng 2022, ang Manila Water ay nakatapos na ng 40 pipelaying, mainline extension at individualization projects sa naturang lalawigan at nagbenepisyo dito ay may 13,500 pamilya.
Para sa nalalabing araw ng 2022, tatapusin ng Manila Water ang dagdag 10 pipelaying projects sa Rizal na may dagdag 3,469 pamilya ang makikinabang dito.
Ang connections sa sewer service ay tumaas ng 5,011 o mula 268,934 connections noong July ay naging 273,945 connections nitong September.
Dulot ng patuloy na pagdami ng populasyon sa Metro Manila at kalapit lalawigan, handa ang Manila water na serbisyuhan ang mga underserved at unserved customers at pagkalooban ang mga ito ng uninterrupted piped-in water supply kahit pa malalayo ang kanilang lugar sa kanilang service area.
- Latest