^

Metro

Bagong overhaul na bagon ng MRT-3 na tumatakbo sa mainline, 67 na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bagong overhaul na bagon ng MRT-3 na tumatakbo sa mainline, 67 na
Ayon sa MRT-3 sa ginawang serye ng quality at speed checks ng mga bagong overhaul na bagon, nakita na mabilis at siguradong ligtas ang takbo nito.
STAR / File

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 67 ang mga bagong overhaul na bagon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na tumatakbo sa kanilang mainline.

Sa isang paabiso, sinabi ng MRT-3 na nadagdagan pa ang na-overhaul na bagon ng isa pa noong nakaraang Oktubre 28 at sinimulan na itong ibiyahe ngayon.

Ayon sa MRT-3, sa kabuuan ay lima na lamang mula sa 72 bagon, ang kailangang i-overhaul bilang bahagi ng kanilang maintenance program.

Dagdag pa ng MRT-3, sa ginawang serye ng quality at speed checks ng mga bagong overhaul na bagon, nakita na mabilis at siguradong ligtas ang takbo nito.

Ang isang bagon anila ay kayang magsakay ng 124 pasahero, kaya sa tatlong-bagon na train set, 372 pasahero lahat ang makakasakay.

Nabatid na ang Sumitomo-MHI-TESP, ang maintenance provider ng linya ng MRT-3, ang namamahala sa overhauling ng mga bagon. Ang MRT-3 ay bumabagtas sa kahabaan ng EDSA, mula North Avenue, Quezon City hanggang Taft Avenue, Pasay City at pabalik.

 

vuukle comment

METRO RAIL TRANSIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with