^

Metro

Holdaper nanlaban sa parak, patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Holdaper nanlaban sa parak, patay
Patuloy na kinikilala ng pulisya ang napaslang na suspek na may bitbit na isang backpack bag at chest bag.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang itinuturong isang holdaper makaraang makipagbarilan sa mga umaarestong pulis matapos na mambiktima ng isang lalaki sa may Malate, Maynila nitong Lunes ng gabi.

Patuloy na kinikilala ng pulisya ang napaslang na suspek na may bitbit na isang backpack bag at chest bag.

Sa ulat ng Manila Police District-Malate Police Station 9, dakong alas-10:22 ng gabi nang maganap ang barilan sa kanto ng Taft Avenue at Castro Street sa Malate.

Bago ito, hinoldap ng suspek ang 36-anyos na si Niño Crisanto Mallari, tauhan ng Manila Social Welfare Development Office.  Tinutukan umano siya ng baril ng suspek sa may kanto ng Leon Guinto at Aragon Street sa Malate at tinangay ang kaniyang cellphone.

Agad na iniulat ni Mallari ang krimen sa istasyon ng pulisya na nagkasa ng operasyon.  Habang binabaybay ang Taft Avenue, namataan ng biktima ang suspek na naglalakad ngunit agad na nakatunog siya at nagtatakbo.
Dito nagkaroon ng habulan hanggang sa makorner ang suspek sa may kanto ng Castro Street ni PCpl Marlon Nobleza.  Ayon kay Nobleza, nagpakilala siya na pulis ngunit sa halip na sumuko ay nagbunot umano ng baril kaya inunahan niya ito at pinaputukan na dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Isinugod ng mga pulis ang suspek sa Ospital ng Maynila ngunit idineklara nang walang buhay dakong alas-10:30 ng gabi.  Nakuha sa posesyon niya ang isang kalibre .38 na baril na may tatlong bala habang narekober ang cellular phone ng biktima.

vuukle comment

HOLDAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with