Bagong halal na alkalde sa CAMANAVA naiproklama na rin
MANILA, Philippines — Pormal nang iprinoklama ng mga election officers sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) ang mga bagong halal na mga alkalde matapos ang halalan noong Lunes.
Sa Malabon, nanalong alkalde si dating vice Mayor Jeannie Sandoval na nakakuha ng 94,826 boto laban sa katunggali na si councilor Enzo Oreta. Nanalo din ang katandem ni Sandoval na si Ninong dela Cruz na may 98,060 boto.
Landslide naman sa Navotas ang Partido Navoteño matapos na iproklama ng Comelec City Board of Canvassers sina Congressman John Rey Tiangco na may botong 80,908 bilang bagong Mayor ng lungsod at Tito Sanchez, 84,065 votes bilang vice mayor. Nanguna rin si Mayor Toby Tiangco sa congressional race na may 79,505 votes habang si Congressman John Rey Tiangco dominated the mayoral bid na may 80,908 votes.
Sa Valenzuela, proklamado na rin Deputy Speaker Wes Gatchalian bilang nanalong alkade sa lungsod matapos na makakuha ng 275,650 votes. Papalitan ni Wes sa puwesto ang kanyang kapatid na si Rex na nanalo namang District 1 representative sa botong 141,794. Muli namang nanalo sa pagkabise alkalde si
Vice Mayor Lorie Natividad-Borja with 257,530.
Nagpasalamat sa kani-kanilang mga costituents at taga suporta ang mga bagong halal na local officials.
Hanggang sa ngayon ay hinihintay, pang iproklama si Congressman Dale ‘Along’ Malapitan bilang bagong mayor ng Caloocan City gayundin ang kanyang running mate na si Katrina Teh bilang vice mayor.
- Latest