Mayor Emi, nangunguna sa Pasay – survey
MANILA, Philippines — Nananatiling si re-electionist Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang preferred choice o pinipiling maging pinuno ng lungsod.
Resulta ito ng isinagawang survey noong nakaraang buwan ng Social Weather Stations Inc. (SWS).
Base sa survey, 83 porsyento ang nagnanais na maipagpatuloy pa ni Mayor Emi ang kanyang nasimulang mga programa at proyekto sa lungsod.
Ayon sa ilang tagamasid, malinaw na pinatutunayan ng survey na ang masigasig na pagseserbisyo ni Mayor Emi sa loob ng nakaraang tatlong taon ng panunungkulan ang pinagbasehan ng mga mamamayan sa pagpili sa kaniya. Dagdag nila, nais nilang maipagpatuloy pa ni Mayor Emi ang estilo ng kaniyang serbisyo.
Si Mayor Emi ay aktibong nagpapatupad ng kaniyang platapormang naka-sentro sa healthcare and housing; education, economic growth at environment; livelihood at lifestyle; peace and order (H.E.L.P.) mula pa sa pagsisimula ng kaniyang termino.
Sa naturang survey ay 77 porsyento naman ang nagsabing iboboto nilang vice-mayor si Ding Del Rosario, habang 87 porsyento ang nagdeklarang iboboto nilang muli bilang kinatawan ng lungsod sa Kongreso si Congressman Tony Calixto.
- Latest