^

Metro

2 timbog sa droga sa Caloocan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang pinaghihina­laang high value target (HVT) sa drug war ang naaresto ng mga operatiba ng pulisya kasunod ng pagkakasamsam ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy- bust operation, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan City  Police ChiefP/ Col. Samuel Mina Jr., ang naarestong mga suspect na sina Rommel Bobiles alyas Dyosa, 33 at Michael Ayuson, 38, kapwa ng Barangay 188, Tala ng lungsod.

Ayon kay Mina, nakatanggap ang mga operatiba ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa kanilang Regular Confidential Informant (RCI) na ang mga suspect ang siyang nagsusuply o nagbebenta ng shabu sa lugar kaya isinailalim ang mga ito sa isang linggong surveillance operation.

Nang makumpirma ang report,  na nagkasa ng buy-bust operation ang pulisya kung saan nahulog ang mga suspect.

Nahaharap ang mga suspect sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

HVT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with