Christmas party ‘wag gawing magarbo – CBCP
MANILA, Philippines — Hnimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na kung maari ay huwag magdaos ng magarbong Christmas parties bilang simpatiya sa mga nasalanta ng bagyong Odette.
Sa halip, hinikayat ni CBCP president at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang mga mamamayan na tumulong sa mga komunidad na nasalanta ng kalamidad.
“Perhaps instead of spending a lot on lavish Christmas parties and exchange gifts, we can put together whatever we can and contribute it to relief operations,” ayon kay David.
Una nang idineklara ni David bilang National Day of Prayer para sa mga biktima ng bagyo ang Disyembre 25 at 26.
- Latest