^

Metro

Sunog sa Valenzuela: Sekyu todas, 1 sugatan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang security guard,  habang sugatan ang isa pa sa sunog na naganap sa  isang  warehouse  at factory,  kahapon ng  madaling araw sa Valenzuela City.

Nakilala ang nasawi na si Joselito Pelic, sekyu sa natupok na  factory na Gilvan Packaging Corporation habang agad namang dinala sa East Avenue Medical Center ang sugatang si Nestor Purtisano, 47, na nagtamo ng 2nd degree burn .

Ayon kay Valenzuela Fire Marshall Supt. Marvin Carbonell naganap ang sunog dakong alas-4:14 ng  mada­ling araw sa warehouse ng  Stronghand Inc, na nasa Paso de Blas West Service Road.

Bagama’t kaunti lamang ang stock sa warehouse ng Stronghand, sinabi ni Carbonell na mabilis ang pagkalat ng apoy sa katabing factory na Gilvan Packa­ging Corporation kung saan  nakaimbak ang mga plastic materials na binabantayan ng  mga biktima.

Umabot sa 3rd alam ang  sunog na naapula dakong alas-6:32 ng umaga. Tinatayang nasa P3 milyon ang  halaga ng  ari-arian ang natupok sa sunog.

vuukle comment

NESTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with