^

Metro

Babala ng PNP hoarding ng oxygen tanks at medical supplies iwasan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Babala ng PNP hoarding ng oxygen tanks at medical supplies iwasan
Walang humpay ang ginagawang pag-iikot ng mga tauhan ng pulisya at nagpapaalala sa mga mamimili na magsuot ng face mask at face shield sa Divisoria Market sa ­Maynila.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sa patuloy na banta ng  virus dahil sa COVID-19, umapela  ang Philippine National Police (PNP) sa mga  nagbebenta ng oxygen at iba pang  medical equipment at supplies na iwasan ang hoarding.

Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, ito ang panahon ng malasakit at pagkakaisa para sa kapwa Pilipino. Hindi dapat na pairalin ang pagiging makasarili at pansariling interest.

Sinabi ni  Eleazar, inatasan na niya ang kanyang mga chief of police na imonitor ang mga posibleng  establisi­myento at lugar na nag-iimbak ng mga oxygen tanks at medical supplies .

Panawagan ni  Eleazar sa publiko, agad na ipagbigay alam sa kanila ang  mga  establisimyento o indibiduwal na gumagawa nito. Makikipag-coordinate rin ang PNP sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa mga hakbang laban sa gawaing ito.

Samantala, sa pagkakatuklas ng bagong Lambda variant nanawagan si Eleazar sa publiko na sumunod sa mga ipinaiiral na quarantine protocols at minimum public health safety standards.

Ayon kay Eleazar, nakalulungkot na tila ipinagwawalang bahala na ng karamihan ang pagsunod sa minimum health standards at mga quarantine rules sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

OXYGEN TANK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with