Rider, itinumba sa Maynila
MANILA, Philippines — Bulagta ang isang rider matapos barilin ng isa sa grupo ng kalalakihan sa An-da Circle, sa 13th Street, Port Area, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni P/Staff Master Sgt. Boy Nino Baladjay ang biktimang si Leopoldoi Dayawa Jr., residente ng Samar St., San Jose, Navotas City.
Sa imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.
Nadatnan ng pulisya ang biktima na naliligo na sa sariling dugo habang nakabulagta sa kalsada sa tabi ng kaniyang motorsiklo.
Nakitaan ng tama ng bala sa kaliwang bahagi ng ulo ang biktima.
Ayon sa isang Christopher Mingoy, vendor, matutulog na sana siya nang makarinig ng isang putok ng baril. Nang alamin kung saan nagmula ay nakita niya ang isang lalaki na inagaw pa ang hawak na cellphone ng biktima bago tuluyang tumakas kasama ang iba pang kasabwat.
Patuloy pang inaalam ang motibo at kung sino ang mga responsable sa kimen. =
- Latest