^

Metro

Quezon City at ACT-CIS Partylist kapit-bisig sa pagpapalakas sa vaccination program sa lungsod

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagkasundo ang QC Go­vernment at ang Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) Partylist na palakasin pa ang vaccination drive sa lunsod.

Ito ay makaraang lu­magda sa isang memorandum of agreement ang ACT-CIS partylist kasama ang radio broadcasters Raffy at Erwin Tulfo sa pagitan ng lokal na pamahalaan na palakasin pa ang vaccination program sa lungsod sa pamamagitan ng paglalaan ng dagdag na  medical teams sa vaccination centers sa ilalim ng  “Bayanihan sa Turukan.”

“Since last year, we have received a myriad of support from different organizations and have established the whole-of-city approach in addressing the COVID-19 pandemic. The doctors and nurses from ACT-CIS will greatly support four of our sites, and accommodate more QCitizens in the process,” pahayag ni  Mayor Joy  Belmonte .

“Ito po ay aming kontribusyon sa hangarin ng ating pamahalaan na mabakunahan ang lahat sa lalong madaling panahon. Kailangan po tayong magtulung-tulong. Hindi natin matatalo ang virus kung hindi natin susuportahan ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan,” sabi ni ACT-CIS Chair Erwin Tulfo.

Mula May 19,  ang lokal na pamahalaan ay nangasiwa na sa kabuuang  272,046 doses sa mga taga-QC at mga manggagawa o may  204,394 para sa  first dose at dagdag na  67, 652  para sa  second dose.

Ibat- ibang  private sektor  na ang nagbukas ng pintuan para makatulong  sa hangarin ng QC government na mabakunahan ang may 1.6 million katao sa loob ng anim hanggang walong buwan.

vuukle comment

ACT CIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with