^

Metro

COVID-19 vaccination program sa Navotas umarangkada na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 vaccination program sa Navotas umarangkada na
Umarangkada na rin kahapon ang pagtuturok sa AstraZeneca at isa si Parañaque City Health Officer Dra. Olga Virtucio sa nabakunahan nito kahapon.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 100 medical workers ang kabuuang naturukan ng Sinovac vaccine ng China, ayon sa opisyal kahapon.

Si Dr. Roan Salafranca, Navotas City Health (NCH) Chief of Clinics, ang unang nagpabakuna.

Tinanggap ng Navotas ang mga bakuna noong Huwebes at dinala sa cold room sa Navotas Polytechnic College kung saan ang pagbabakuna laban sa virus ay sinimulan naman nitong Biyernes.

“Tuwang-tuwa kami at nagpapasalamat na ang ilan sa aming mga frontliner ay natanggap na ang kanilang shot. Dahil dumarami ang mga kaso sa amin, inaasahan naming maglaan at magpadala ng maraming mga bakuna sa Navotas ang national government,” ani Mayor Toby Tiangco kaugnay ng patuloy na vaccination program sa kanilang lungsod.

“Bumili kami ng 100,000 doses ng bakunang  Bri­tish AstraZeneca, na inaasahang darating sa second half ng 2021. Habang hinihintay namin ang aming order, inaasahan naming makakatanggap kami ng higit pang mga bakuna mula sa national government  upang maprotektahan ang aming halos 800 medical  frontliner,” ayon sa alkalde.

NCH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with